sa kalikutan ng isipan, eto ang natagpuan.
http://listverse.com/2008/03/07/10-modern-cases-of-feral-children/
sa kalikutan ng isipan, eto ang natagpuan.
http://listverse.com/2008/03/07/10-modern-cases-of-feral-children/
Date: December 22, 2011, Thursday
Time: 8:20 PM to 9:00 PM
THIS IS A TRUE STORY.
Matapos makipagkulitan kay MG sa MRT, bumaba na ako sa Quezon Avenue Station.
Naghintay ako ng biyaheng UE Letre, ordinay bus lang para mura at mabilis ang biyahe.
Medyo matagal din akong naghintay at sa wakas may dumating na.
Wala pang maupuan sa bus kaya nakatayo lang ako.
Pagdating ng bus sa may sakayan sa may North Avenue Station ng MRT, sa may Trinoma, may sumakay na lalaki, si Boy Tattoo.
Minsan handy din ang prejudice, kasi parang hindi gagawa ng mabuti si manong sa aking pakiwari.
Nagpalakad lakad siya ng gitna ng bus.
(Gitnang pinto siya sumakay, tapos pumunta siya sa pinto sa harap, tapos bumalik siya sa pinto sa may gitna. (take note of this part))
Pagdating sa may bus bay ng SM North EDSA, andaming sumakay.
Napuno agad yung bus ng mga tao.
Nakakumpol sila lahat sa gitna, sa may pinto kung saan sila sumakay.
May nakakumpol sa pinto sa unahan.
Then it hit me, something fishy is happening.
Tinanggal ko na muna yung Every Morning by Sugar Ray na soundtrip ko at kinabahan.
Nakita ko si Boy Conyo, namumuwalan yung bulsa niya sa wallet niya.
Out of concern, nilapitan ko siya at binalaan, ‘Pare, ingatan mo yang wallet mo’.
Kinuha niya ang wallet niya and he grasp it firmly with his hands.
Nanginginig yung tuhod ko habang nakatayo.
Alam mo nandiyan yung mga kalaban, pero wala kang magawa.
Parang check mate kame kasi barado na ng mga walang hiya yung dalawang pinto ng bus.
Alam na ng lahat ng madlang pipol, wala lang kameng magawa.
Pagsapit sa may Muñoz, bumaba si kuya, si Boy Saudi, na madaming dalang mga pinamili.
Pero bago siya makababa, kinuyog siya ng mga lalaki.
Dapat di ba pag may bababa, lalayo ka para makadaan siya.
Pero ang ginawa ni Boy Tattoo and the gang, inipit siya bago siya makarating ng pinto.
Paglabas ni Boy Saudi, kinapa niya yung mga bulsa niya at bigla niyang dinuro si Boy Tattoo.
‘T*** **a mo, mandurukot ka!’
I knew it.
Congressional Avenue, then Gami and next, Royal na.
Bumwelo na sa pagbaba si Boy Conyo at pumasok sa teritoryo nila Boy Tattoo.
Pinagmamasdan ko kung pano siya ipitin ng mga robbers, knowing at the back of my head na nakinig siya sa payo ko.
But he didn’t.
Pagbaba niya, kinapa niya yung bulsa niya.
Nang narealize niya na wala na yung wallet niyang pang conyo, bumalik siya sa bus at hinarap sila Boy Tattoo.
Boy Conyo: Asan na yung wallet ko?
Boy Tattoo: Andun sa bumabang lalaki, habulin mo.
Gullible enough, hinabol niya.
Napailing na lang ako.
After ng Royal, at bago dumating sa Balintawak, huminto yung driver.
Biglang dumating si Boy Conyo, hinabol niya yung bus para kastiguhin sila Boy Tattoo.
Bilib din ako sa tapang niya at sa layo ng tinakbo niya.
Pero too late pare, it’s true, nadukutan you!
Bumaba na si Boy Conyo na nawalan na ng pag-asa.
Umandar ang bus at pagdating sa Balintawak, bumaba na sila Boy Tattoo at limang goons niyang kasama.
Nakahinga na ako ng maluwag at nagsoundtrip ng You Learn ni Alanis.
Pagtapos ng unang chorus, pause muna yung kanta.
Nagmuni muni ako.
I felt sorry for Boy Conyo at thankful din na bumaba na sila at walang nakuha saken at walang nasaktan na pasahero.
Pagdating ng McArthur Highway, yung papasok sa Valenzuela, lumipat ako ng upuan sa harap.
Nakakwentuhan ko si Boy Regret, and guess what, nadukutan din siya.
Nasa harap lang siya simula kanina pero bigtime talaga si Boy Tattoo, pati sa unahan nakadale!
(see parenthesis above)
Nakuha yung cellphone niya habang nagpapabalik balik si Boy Tattoo.
Tsk tsk.
December 22, 2011, 3 days before Christmas.
Mag-ingat po tayong lahat.